Marketing Plan

Natasha is one of the leading direct selling companies in the Philippines. Our main products are shoes, apparel and personal care. We would like to be your partner in starting your business.

Dalawa po ang basic earning opportunities natin:

SELLING

Ang unang earning opportunity po natin ay ang pagbebenta ng products natin.

Basic Discount:
Shoes, Apparel & Accesories: 22%
Natasha Beauty Products: 27%

Pagkuha po natin ng orders sa Natasha, net price (gross price less discount) lang ang babayaran natin. Profit na natin ang basic discount.

NETWORKING

Nasa networking po ang mas malaking opportunity. Mas marami tayong recruit, mas lumalaki ang network natin. Lumalaki ang earnings natin dahil puwede tayong kumita ng rebates at lifetime commission sa sales ng napakaraming tao sa network natin.

At Natasha, dreams come true, kailangan lang po na masipag tayo magbenta at mag-recruit.  Lagi din nating isa-puso ang CORE VALUES ng Natasha.

  1. Customer Service
  2. Discipline
  3. Constant Improvement
  4. Respect for Each Other
  5. Honesty

Ito po ang mga nagsisilbing gabay ng Natasha sa pakikitungo sa Members at sana maging gabay n'yo rin sa pakikitungo sa inyong customers.

Dalawa po ang levels sa marketing plan natin, Fashion Pros at Members. Ganito ang itsura ng isang typical network sa Natasha.


Sa itaas po ng isang network ang Fashion Pro at ang mga Members naman po ang downlines.


EARNINGS OPPURTUNITIES OF MEMBERS
  1. Basic Discount
  2. Rebates on Gross Direct Group Sales

    Puwede po tayong mag-qualify for rebates through our gross direct group sales. Kasama pos a gross direct group sales natin ang sarili nating sales at ang sales ng direct recruits natin na hindi pa qualified for rebates. Kailangan po nating tandaan na kapag qualified na ang direct recruit natin for rebates, hindi na po kasama ang sales niya sa gross direct group sales natin. Para ma-qualify for rebates, kailangan pong umabot ng Php10,000 ang gross direct group sales natin in one calendar month. Halimbawa po ay umabot ng Php10,000 ang gross direct group sales natin sa January, ito po ang qualification natin. Mag-umpisa po ang rebates natin sa sales natin sa February.
Gross Direct Group Sales  Percentage of Rebates
Php5,000-Php9,999   2%
  Php10,000 and up   3%

Kung halimbawa po Php10,000 ang gross direct group sales natin, Php300 ang rebates na matatanggap natin.

PROMOTION FROM MEMBER TO FASHION PRO
  1. 1) Gross group sales po ang pinagbabasehan natin ng promotion. Wala ng iba! Kasama po sa gross group sales natin ang sales ng Member downlines natin up to unlimited generations. Kasama pos a gross group sales natin ang sales kahit ng recruit ng recruit natin.

    Wala pong quota sa dami ng recruits, No need for dummy recruits!

    The best way to be promoted is to recruit.  Kapag mas marami tayong recruits, mas mabilis ang promotion natin!

  2. Ang promotion po sa Natasha is for life.  Wala pong demotion.
  3. Kapag na-promote tayo, sasama sa atin ang lahat ng Member downlines natin sa bago nating grupo.
  4. Automatic po ang promotion. Hindi na po kailangan lakarin.

 

DIFFERENT FASHION PROS
  • Fashion Pro 1 P60,000 gross group sales in 2 calendar months
  • Fashion Pro 2 P100,000 gross group sales in 2 calendar months
  1. Hindi po kailangan step-by-step ang promotion. Puwede po tayong ma-promote from Member directly to Fashion Pro 2
  2. Pareho po ang level ng mga Fashion Pros. Hindi po downline ng Fashion Pro 2 ang Fashion Pro 1. Mas malaki lang po ang benefits ng Fashion Pro 2 sa Fashion Pro 1.

 

EARNING OPPURTUNITIES OF FASHION PROS 
  • REBATES BASED ON GROSS GROUP SALES
Gross Group Sales   FASHION PRO1   FASHION PRO 2
P5, 000-9,999 7.5% 7.5%
P10, 000- 14,999 10.0% 10.0%
P15, 000- 19,999 10.0% 12.5%
P20, 000- and up 10.0% 15.0%
  • LIFETIME 2% SA 2 LEVELS NG FASHION PRO DOWNLINES

Mayroon po tayong lifetime 2% sa gross group sales ng direct recruits natin na promoted to Fashion Pro. Mayroon din tayong lifetime 2% sa gross group sales ng direct recruits ng direct recruits natin na promoted to Fashion Pro. Kailangan lang po mayroon tayong at least P5,000 gross group sales sa sarili nating grupo para matanggap natin ang lifetime 2%.

  • ADDITIONAL 3% REBATES FOR NATASHA BEAUTY FASHION PRO GROSS GROUP SALES

Mayroon po tayong additional 3% rebates sa Natasha Beauty Fashion Pro gross group sales natin kapag mayroon po tayong Php 10,000 a month.

WALK-IN POT

Kasama po sa walk-in Pot:

  • 15% rebates sa sales ng lahat ng Members na walang recruiter.
  • Lifetime na 2% (2x) sa gross group sales ng Fashion Pros na walang recruiter.

Qualifications para po makasama sa Walk-in Pot:

  • Php25,000 Natasha Beauty Fashion Pro Gross Group Sales in 1 month
  • Credit rating A or B
HOW TO BECOME A MEMBER

Free Registration! Mag fill-out lang tayo ng registration form samahan po natin ng (2) 1" x 1" ID pictures. Magbabayad po tayo ng Php120 para sa sales kit at Php50 para sa membership ID. Hindi po puwedeng parehong mag-register ang husband and wife. Once lang po puwedeng mag-register ang bawat Member.

PRICING

You can set your own prices. Kailangan lang po nating tandaan na marami na pong nagdadala ng Natasha. Malamang mayroon na ring paghahambingan ang customers natin. Kapag masyadong malaki ang idinagdag natin, hindi po tayo makakabenta.

RETURN OF ITEMS

Puwede po tayong magpalit ng items. Binibigyan po tayo ng return form kung saan nakasulat ang mga binalik natin. Kapag magbabayad tayo, isama natin ang return form para mabawas ang halaga ng returns natin. May time period tayong 60 days para magbalik ng items. Kailangan lang pong magpakita tayo ng Purchase order forms ng mga ibinabalik natin.

60 days Non- returnable
Apparel  
Bag  
Belt Brief/Panties
Shoes Socks
Wallet  
Bra  
Athletic Shoes  
Personal CareProducts  
Cap  
Handkerchiefs  

 

CREDIT LINE

Hindi na po natin maipapaliwanag ang lahat ng credit line policies sa leaflet. Kung gusto po natin malaman ang lahat ng details, puwede po tayong kumuha ng "Natasha Credit Line" na flyer.

Ang requirements po natin for credit line ay P2,000 in net paid individual sales, proof of checking account, proof of billing address at 2pcs 2" x 2" ID picture.

Mayroon po tayong credit ratings:

Credit Rating A - Good Payer
Credit Rating B - Sometimes Late in Payments
Credit Rating C - Has Overdue Accounts

Lahat po ng Members nag-uumpisa sa Credit Rating A

CREDIT LINE FOR MEMBERS

  1. Credit Terms: 30 days and one week post dated check
  2. Credit Line Increase through paid

    Members with Credit Rating A: (Sales upto P40,000/2) + Sales after P40,000/4)

    Halimbawa po may total net paid individual sales ang Member na P100,000 ang magiging credit line po natin: (P40,000/2) + (P60,000/4) = P35,000

    Credit rating A: P1,000 credit line for every P2,000 in net paid individual sales.
    Credit rating B: ½ ng credit line through paid sales ng Members with Credit Rating A

  3. Credit Line Increase through Cash Bond

    Members with Credit Rating A: Cash Bond x 3
    Members with Credit Rating B: Cash Bond x 2

CREDIT LINE FOR FASHION PROS

  1. Credit Terms: 60 days post dated check.
  2. Credit Line Increase through sales:

    Fashion Pros with Credit Rating A: (Sales upto P100,000/1) + (Sales after P100,000/4)

    Halimbawa po may total net paid individual sales ang Fashion Pro na P160,000 ang magiging credit line po natin: (P100,000/1) + (P60,000/4) = P115,000

    Fashion Pros with Credit Rating B
    ½ ng Credit Line through sales ng Fashion Pros with Credit Rating A

  3. Credit Line Increase through Cash Bond
    Maximum Amount Cash Bond: ½ ng total net paid individual sales
    Fashion Pros with Credit Rating A: Cash Bond x 3
    Fashion Pros with Credit Rating B: Cash Bond x 2

Regional Clearing Checks
Babawasan po ng 12 days ang due date for Regional Clearing Checks

RECRUITMENT

Simple lang po ang recruitment. Samahan lang po ang recruit natin sa Natasha Branch para mag-register. Kung hindi po makapunta sa Natasha ang recruit natin, puwedeng tayo na lang bilang recruiter ang mag-submit ng registration form at dalawang (2) 1" x 1" ID pictures sa Natasha Branch. Siguraduhin po nating nakasulat ang tamang Member number at pangalan natin sa registration form as recruiter.

Puwede po natin i-register online ang ating mga recruits sa www.natashamydct.ph . Sa online registration, hindi na natin kailangang dalhin ang registration form sa branch. Kailangan lang pong mag-submit ang recruiter ng written confirmation letter sa Natasha Branch at the latest 2 weeks after the registration.

THERE IS NOTHING LIKE THE ORIGINAL

Marami lang po ang nanggaya sa marketing plan ng Natasha.  Tandaan po natin, hindi po dahil pareho ang marketing plan, pareho din po ang quality level ng customer service, products at computer systems.  Dito po tayo sa SUBOK NA!

EVENTS
  • Tsika – Tsika sa Natasha (Once every 2 months)
  • Induction of Fashion Pros (Once a month)
  • Paskuhan
  • Quarterly Excellence Awards
  • Sales Convention

 

Copyright © 2011 Shoecat Incorporated